JERRY OLEA
Hindi sigurado si Boy Abunda kung tatangkilikin ng mga manonood ang pagbabalik-TV niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda umpisa Enero 23, 2023, Lunes ng 4:05 p.m, sa GMA-7.
Read: Fast Talk ni Boy Abunda sa GMA-7, 20 minutes lang eere araw-araw
“Deretsahan na tayo, hindi ako sigurado,” pag-amin ni Tito Boy sa mediacon noong Enero 14, Sabado ng gabi, sa GMA Network, Quezon City. “Kakagatin ba kami? Hindi ako sigurado. Pero I’m coming into the platform, bukas. I’m coming into the platform willing to listen. “I’m coming to the platform not just to my audience but to the creatives. Kasi kailangang maghain tayo ng bago, e.“I remember when I started Startalk dito sa GMA-7, tawa kami nang tawa noon nina Kris [Aquino], nina Manay Lolit [Solis]. Because I think we rated a 3.
“You start somewhere. Bago ka, e. Di ba? Hindi lamang nagpapakilala ako sa audience, nangangalabit tayo ng konting panahon. “Tatanggapin ko rin na I will have to spend a lot of time getting to know the celebrities I’m going to be interviewing.“How do I make Fast Talk more interesting? Kahapon lang, I was talking to my executive producer, I was saying, ‘Dapat may portion na I open the show with FFT.’
“May Fast Fast Talk, na walang hingahan. Subukan natin, di ba? Subukan natin. Because doon sa gitna, when I do my balita at may headlines and my commentary and my opinions, ahh ordinary yan sa social media. “The only difference is maybe because I’m supported by extensive research. Doon naman sa interview, parang nag-uumpisa. Laban. Laban! Laban!” Inaasam ni Tito Boy na magamit ang mga bagong interview tools. Inihalimbawa niya iyong sa kanyang YouTube channel ang ‘what’ interview, kung saan bawat tanong ay pinasisimulan niya sa “What…?” Dagdag ni Kuya Boy, “In other words, I’m not gonna sit back and wait for manna to fall from heaven. Magtatrabaho ako!”Makaka-Fast Talk ni Kuya Boy sa pilot week ng programa sina Marian Rivera (January 23), Glaiza de Castro (January 24), Alden Richards (January 25), Bea Alonzo (January 26), at Paolo Contis (January 27).
Nanawagan si Kuya Boy kay Heart Evangelista para maging panauhin din niya ito sa kanyang bagong programa.Read: Boy Abunda, pinangalanan ang Kapuso stars na gusto niyang ma-interview
NOEL FERRER
Ipina-copyright ni Tito Boy ang ‘Fast Talk’ format ng pag-iinterbyu, kaya nasa kanya ang karapatan para gamitin iyon sa bago niyang programa sa GMA.Read: Walang ibang puwedeng gumamit ng "Fast Talk"? Boy Abunda: "I own the copyright of 'Fast Talk.'"
Maraming vloggers ang nagpa-Fast Talk sa kani-kanyang YouTube channel. Bawal na bang gamitin nila iyon?
Sagot ni Kuya Boy, “Wala naman akong control doon, e. Natutuwa lang ako, nobody can do Fast Talk the way I do Fast Talk. I own it.”GORGY RULA
Paano na ang online show niya sa YouTube? Masa-sacrifice ba iyon ngayong balik-TV na siya? Pahayag ni Kuya Boy, “I will not be doing… ahh, hindi. Hindi naman sa hindi ako pinapayagan. Pinayagan ako ng GMA-7 na ipagpatuloy ang aking YouTube.“Pero for respeto naman. And I think napakadisente ng request na ito — huwag namang mauuna ang YouTube ko sa Fast Talk. And I understand that.
“Halimbawa lang, if I were to do Marian Rivera on Fast Talk. Hindi naman puwedeng mauna siya sa YouTube channel ko.
“Siguro kung meron pa akong anggulo na puwedeng magawa, magpapaalam ako kung puwede kong magawa halimbawa sa YouTube. “At saka meron kaming disclaimer na nakasulat doon, na ang opinyon ni Boy Abunda at kanyang mga panauhin sa YouTube channel ay walang kinalaman ang GMA-7. “In the same way na ang opinyon ng aking mga panauhin ay wala rin akong responsibilidad. The usual. Again, which is reasonable, and which is fair. “Pero meron akong gagawin. I’d like to be able to do political interviews sa YouTube pero hindi heavy political interviews. “I’m designing an interview format on my YouTube channel na for politics, for politicians. I’ll discuss that in another conversation, pero dapat walang conflict.“And I defer to Fast Talk. That comes first with celebrity interviews.”
Nilinaw ni Kuya Boy na hindi niya nakagawiang mag-Fast Talk sa YouTube.“Ginamit natin ang Fast Talk dito sa pagkakataong ito as a title, at also as an interview format, but I don’t do Fast Talk [on YouTube]… nung umpisa lang.
“I don’t do Fast Talk sa YouTube,” sambit ni Kuya Boy.