GORGY RULA
Naantala ng ilang araw ang taping ng upcoming Kapuso drama series na Magandang Dilag dahil nagkaroon ng minor accident ang bida ritong si Herlene Budol sa mismong taping nung nakaraang linggo.
Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, namali ng hakbang ang comedienne-beauty queen sa may hagdanan malapit sa swimming pool kaya nadulas ito.
Kapansin-pansing medyo mahina na raw si Herlene. Maaaring over-fatigue, kaya minabuti ng production staff na ikansela ang schedule ng taping para makapagpahinga muna siya.
Tuluy-tuloy raw kasi ang trabaho ni Herlene. Kapag wala itong taping, nasa shoot naman ito ng ilang endorsements niya. Kaya pagdating sa taping, nanghihina na ito.
Baka sa Biyernes ay mag-resume na sila ng taping ng Magandang Dilag dahil nakapagpahinga na si Herlene.
Pang-afternoon drama ang Magandang Dilag na nakatakda nang iere sa susunod buwan.
NOEL FERRER
Naku, kailangang i-pace ni Herlene ang kayang sarili para walang mag-suffer — hindi lang trabaho kundi ang sarili niyang well-being.
Mas ok naman itong balitang pag-a-adjust ng programa kay Herlene kaysa itong nabalitaan kong programang magkakaroon na sana ng magandang push sa paggi-guest ng isang A-lister na pinack-up dahil hindi available ang bidang naka-sched para sa isang raket.
Nakakaawa ang mga staff ng programang ito, pero hindi na lang sila nagsasalita. Sayang ang guesting ng isang major celeb na makakatulong sana sa paglipad!!!
JERRY OLEA
Paalala ng Miss Planet International sa kanilang Facebook page nitong Enero 16, 2023, Lunes ng gabi, “Miss Planet International finale will be held on January 29th, 2023 at the Koh Pich Theater in Phnom Penh, Kingdom of Cambodia.”
Nag-comment dito si Wilbert Tolentino, ang manager ni Herlene Budol, aka Hipon Girl.
Sabi ni Wilbert (published as is), “Scam po yung pageant. Hindi nila sinoli ang binayad kong Franchise. dont be the next victim.
"if any candidate will represent Philippines magkaka problem po sa akin. i am still the current National Director of Miss Planet Philippines."
Noong Nobyembre 19, 2022 pa sana ang timpalak na ito sa Uganda, at nagtungo roon si Herlene kasama ang kanyang entourage.
Pero iyon na nga, nag-back out sa paligsahan si Herlene at ang iba pang candidates, at ipinagpaliban iyon.
May keber pa ba ang mga KaHiponatic, KaSquammy, at KaBudol sa kahihinatnan ng Miss Planet International na iyan?
Kung anu’t ano man, antabayanan na lang natin ang seryeng Magandang Dilag ni Herlene.
I-prioritize sana ni Herlene ang unang TV series na siya ang bida, at huwag niyang sundan ang mga yapak ng raketerang artista na…
Naku! Naku! Naku! Mag-zumba na nga lang tayo!!!