JERRY OLEA
Abril 2018 nang ilahad ni Dina Bonnevie sa isang mediacon ang pagtalak niya sa isang pasaway na young actress sa set ng teleseryeng pinagsamahan nila.
Read: Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: "Talagang... I gave her hell."
Nitong Disyembre 2022 naman isinalaysay ni Alex Gonzaga sa podcast ang aniya ay traumatic na karanasan niya sa isang artistang matanda.
“Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything,” hanash ni Alex.Read: Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?
Napagtanto ng netizens na si Dina ang tinutukoy ni Alex. Nanahimik lang si Dina, lalo pa’t marami ang kampi sa kanya.Ibinunyag ng veteran showbiz columnist-TV host na si Cristy Fermin sa YouTube vlog ang pag-a-attitude ni Alex sa TV5 program nilang Juicy! (2008-2012).
Read: Cristy Fermin, isiniwalat ang di magandang karanasan sa pakikipagtrabaho kay Alex Gonzaga
Sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na My Teacher noong Disyembre 12, 2022 sa Winford Manila, napag-usapan ang isyu nina Dina at Alex.
Ang sabi ng kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga, “Ahh, kilala ko naman si Alex, so alam ko yung totoong istorya. Alam ko yung totoong nangyari.
“So, bago pa minsan lumabas, sasabihin na niya, ‘Ito, iaano ito, palalakihin. Pero ganito talaga yung nangyari, ha?’ “O, ‘Ito, uungkatin pa pero 2008 pa iyan, ha? Pero kaya ganito yan kasi galing ako sa ganito, tapos pumunta ako dun.’”Read: Joey de Leon, Toni Gonzaga weigh in on revived Alex Gonzaga-Dina Bonnevie issue
Kasama sa cast ng My Teacher si Carmi Martin. Naka-work ni Carmi si Alex sa TV5 at sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home. Kumustang katrabaho si Alex?
Natatawang sagot ni Carmi, “E, luka-luka! Love na love ko yang magkapatid na yan. Love na love ko yang magkapatid… “Pero mas demure kasi talaga si Toni. At si Alex talaga yung… ala lang! Kikay na kikay!” May bad experience ba siya kay Alex? “Wala! Wala, wala! Hindi ko siya nasigawan ng, ‘Bakit ang tagal-tagal mong dumating?!’ Hindi siya yun!” paglilinaw pa ni Carmi.Pinagpiyestahan ng netizens ang “attitude” ni Alex, at more and more and more ang nagbalik-tanaw sa hindi magandang karanasan nila sa actress-vlogger na nagbida sa Netflix original film na The Entitled.
Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter
NOEL FERRER
Nabasa natin ang pagdepensa ng publicist at kaibigan ng pamilya na si Peter Ledesma na nagsabing kabiruan pala at kaibigan nina Mommy Pinty Gonzaga, ina ni Alex, ang waiter ng restaurant.Read: Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family
Una, sana hindi na lang binanggit ang resto dahil kilala ko ang may-ari nito, hindi makabubuti sa kanila ang ganitong usapin. Napakadisente nilang tao para madawit sa isyung ito, actually. Ikalawa, napag-alaman ng PEP Troika na humingi na ng dispensa si Alex sa waiter na si Allan at naging maayos na raw sila. Sana, ganun na lang ang naging pahayag noong simula pa lang. Yun kasi ang tama — ang amining may naging mali sa labis na katuwaan siguro, kaysa mag-isyu ng pandepensang statement na nagmumukhang palusot. Tuloy, sinagot ito sa iba’t ibang paraan ng netizens.GORGY RULA
Ang dami nang nadamay sa isyung ito ni Alex Gonzaga. Baka ito pa ang sisihin kung hindi maganda ang kalabasan ng birthday-anniversary concert ni Toni Gonzaga sa January 20, Biyernes, sa Araneta Coliseum, Quezon City.Pero ang maaring isa sa nadamay rito ay ang political career ng asawa ni Alex na si Mikee Morada.
Kasalukuyang naninilbihan bilang konsehal sa Lipa City, Batangas si Mikee, at may bulung-bulungang tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon. May isang netizen na naglabas ng streamer ng mag-asawang Mikee at Alex na nakapaskil sa Lipa City. May malaking litrato nilang mag-asawa kung saan bumabati sila ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Nakalagay pa sa kanilang Christmas greeting ang katagang: “Pagbati mula sa inyong Kabarkada sa GOByerno. Mikee Morada at Alex Gonzaga-Morada.” Naka-all caps ang "GOB" na tila nagpapahiwatig na tatakbong governor sa 2025 elections si Mikee. Iyon ang pagkakaintindi ng ilang Batangueño.