GORGY RULA
Hindi pa rin humuhupa ang init ng isyung kinasasangkutan ni Alex Gonzaga pagkatapos niyang maglabas ng public apology, pati na rin ang asawa niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada.
Read: Mikee Morada speaks up as wife Alex Gonzaga continues to receive backlash
Ang dami pa ring sinasabi, ang daming magagaling na nagbigay ng kanilang opinyon. Maaaring sanay na si Alex sa ganitong gulo sa dami na rin ng mga isyung kinasangkutan niya. Pero may ibang taong nadadamay na hindi sanay sa ganitong isyu at kaguluhan ng mga tao. Unang-una, ang waiter na si Allan Crisostomo. Pangalawa, ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Siguro, tanggap na o pinalagpas na ni Allan na napahiran siya ni Alex ng icing ng cake sa mukha. Sinadya siya ni Alex sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya para personal na makahingi ng paumanhin. Tinanggap naman niya kaagad at okay na.Read: Alex Gonzaga, humingi ng tawad sa waiter matapos mabatikos nang husto
Tapos na ang isyu. Pero hindi pa masaya rito ang netizens. Ang daming tanong, ang daming suhestiyon, at ang daming kuda. Bakit kailangan pa raw pasulatin si Allan para iabsuwelto si Alex Gonzaga?Read: Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens
Ayon sa ilang napagtanungan namin, desisyon ni Allan Crisostomo na gumawa ng sulat na okay na sila ni Alex. Hiningan ng kumpanya ng salaysay si Allan kung ano talaga ang nangyari, at kailangan niyang i-report ito sa kanyang employer. SOP o Standard Operating Procedure na isulat ang nangyari para isumite sa HR ng kumpanyang pinagtatrabahuan. Nagkusap sina Allan at Alex, nagsulat na ang waiter ng report na okay na sila ng actress/TV host. Ang mismong kumpanya na pinagtatrabahuan ni Allan ang naglabas ng litrato ni Alex at ng waiter at ang handwritten letter ni Allan para matapos na ang isyu.JERRY OLEA
May smear campaign ba kay Alex Gonzaga? Aba! Kinabog ng 35th birthday bash niya ang 28th birthday bash ni Donnalyn Bartolome noong Hulyo.Read: Donnalyn Bartolome apologizes for baby-themed photo shoot
Ang Vivamax director na si Roman Perez Jr., nag-post sa Facebook bago maghating-gabi nitong Hunyo 18, Miyerkules kaugnay sa PAHID CAKE ISYU.
Ani Direk Roman, “Ayaw ko na makisawsaw kay Cathy (Alex G.) Kasama ko siya halos tatlong taon sa TV5 . Naidirek ko siya halos ilang taon. Kilala ko siya, naging kaibigan, ka buwisitan, naging kapatid. “Kung walang bahid pulitika dahil BBM sila. Mabait na tao si Cathy. Hindi Madamot sa mga tao nakatrabaho. Saksi ako. Ilang Pasko at pagtatapos ng Show tuwang tuwa mga manggagawa dahil tumutulong siya sa manggagawa sa industriya. Wala pang politika rito. Wala pang Eleksyon. “Iba ang kakulitan ni Cathy. May sarili siyang trip (ikaw ba wala?). May sarili siyang toyo (kagaya ng ordinaryong tao). May mga political siya paniniwala na mag-discuss kayo pero orientation niya yun. May Pitik siya gaya ng ibang Babae. May Topak siya gaya ng ibang ka edaran niya. Sa madaling salita Baliw din siya. (Ako rin naman). “Sinu bang hindi Baliw? Sige nga? “Nakakabahala lang ang mga tao. Sobrang minomolde tayo ng paghuhusga. Hinahati tayo ng paniniwalang politika at moralidad? “Perpekto ba tayo? Hindi ba tayo sumuka ng nalasing? “Hindi ba tayo nag-trip nung Birthday natin gumawa ng bagay na mag-trip? “Kung hindi? Aba eh. Hindi ka masayang tao! Pa Check up kayo! “Hindi siya nakapatay? Hindi naman siya nagnakaw? Hindi naman siya nagpapanggap? Ayun siya eh! “Hirap mabuhay ngayon, lahat nagaabang ng dungis mo? Lahat ay hurado sa buhay? “Sorry every party namin dati may Jordans ako kay Cathy. “Wala kayo pakialam!”Kung karangalan noon na magpasaboy ng tubig o alak kay Cherie Gil habang dina-dialogue nito ang linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” mula sa pelikulang Bituing Walang Ningning (1985)… sa darating na panahon kaya ay may mga mag-request kay Alex na pahidan ng icing ng cake sa noo?!?!
NOEL FERRER
Lampas sa kahit ano pa mang sabihing politika, o nagkatuwaan lang, magkaibigan naman, may discomfort sa naging pangyayari. Pati nga yung nag-upload, napagtanto niyang may mali kaya tinanggal niya ang post. Kahit naman si Alex, sa puso niya, alam niyang may mali kaya nag-sorry siya. Beyond justifications, may mga kailangang matutunan sa nangyari. Sana, magtanda na lang at hindi na maulit muli. May discomfort din ako na na-drag pa yung establishment sa nangyari. Mabubuting tao ang nagpapatakbo doon. Sana, hindi na sila nadamay pa. Tingnan natin kung ano ang tugon ng mga tao sa pamilya Gonzaga sa concert ni Toni bukas ng gabi, January 20, sa Araneta Coliseum.