JERRY OLEA
Umabot na sa $1.928B ang worldwide gross ng Avatar: The Way of Water na idinirek ni James Cameron.
Ito na ang ikaanim sa talaan ng Worldwide Lifetime Gross (hindi adjusted sa inflation). Nilampasan nito ang global gross ng Spider-Man: No Way Home ($1.922B).
Ang Top 5 sa listahan ng Worldwide Lifetime Gross ay Avatar ($2.923B), Avengers: Endgame ($2.799B), Titanic ($2.195B), Star Wars: Episode VII — The Force Awakens ($2.070B), at Avengers: Infinity War ($2.048B).
Malamang sa alamang na lalampasan ng Avatar: The Way of Water ang worldwide gross ng Avengers: Infinity War.
Gaya ng Avatar: The Way of Water, ang Avatar at Titanic ay idinirek ni James Cameron.
Palabas pa rin sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water, na December 14, 2022 ang playdate.
Apat ang banyaga — Shotgun Wedding, Nocebo kung saan kasama si Chai Fonacier, Gangnam Zombie, at ang critically acclaimed The Fabelmans na idinirek ni Steven Spielberg.
Dalawa ang bagong pelikulang Pinoy — I Love Lizzy nina Barbie Imperial at Carlo Aquino, at Girlfriend Na Pwede Na nina Kim Molina, Jerald Napoles at Gab Lagman.
Sa Enero 25, Miyerkules, ipapalabas ang Hello, Universe! ni Janno Gibbs, at A Man Called Otto ni Tom Hanks.
Pebrero 1 ang playdate ng Babylon, Knock at the Cabin, at Spellbound nina Bela Padilla at Marco Gumabao.
Pebrero 8 ang showing ng Magic Mike’s Last Dance, pati Latay nina Lovi Poe at Allen Dizon.
Ang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz… makikipagsabong sa Ant-Man and the Wasp: Quantumania sa Pebrero 15.
Itong Ant-Man and the Wasp: Quantumania ang unang pelikula sa Phase Five ng Marvel Cinematic Universe (MCU). Inaasahan nating magpapayanig ito sa takilya.
Ipinost na ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ang playdates ng iba pang Marvel movies ngayong 2023.Ire-release ang Guardians of the Galaxy Vol. 3 sa Mayo 3, ang Spider-Man: Across the Spider-Verse sa Mayo 31, ang The Marvels sa Hulyo 26, at ang Kraven The Hunter sa Oktubre 4.
Siyanga pala… totoo bang magsasalpukan sa March 1 playdate ang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan at Martyr or Murderer (MoM) ni Direk Darryl Yap?!
GORGY RULA
Good luck sa mga pelikulang Pinoy na makikipagbardagulan sa marvelous films.Ayon sa source ng PEP Troika, ang unang playdate ng Martyr or Murderer ay Pebrero 22, alang-alang sa paggunita ng EDSA People Power.
Iyong Oras de Peligro ay nakatakdang mag-premiere sa Pebrero 24 sa SM Megamall, pero Marso 1 ang playdate nito.
Inilipat daw sa March 1 ang playdate ng Martyr or Murderer kaya magsasabong sila ng Oras de Peligro. Matira ang matibay, ikanga.
Streaming na sa Vivamax umpisa Enero 20, Biyernes, ang pelikulang Tag-init nina Franki Russell at Clifford Pusing, sa panulat ni Jose Javier Reyes.
Tingnan natin kung bolder and more daring dito si Franki kumpara sa naunang Vivamax movies niya na Pabuya with Diego Loyzaga, and Laruan with Kiko Estrada and Jay Manalo.
Disisais anyos pa lang si Clifford nang magbida sa 2020 Pinoy BL series na Sakristan, sa direksiyon ni Darryl Yap. Tender and sweet ang kissing scene niya roon with Henry Villanueva.
Nineteen years old na si Clifford, pero ang karakter niyang si Martin sa Tag-init ay 17 years old pa lang.
Magpapainit din sa Tag-init sina Yen Durano, Ali Asistio, Aerol Carmelo, at Marc Acueza.
Ikaanim at huling episode na ng seryeng Lovely Ladies Dormitory sa Hunyo 22, Linggo.
Ang limang bida rito ay sina Yen Durano, Andrea Garcia, Hershie de Leon, Tiffany Grey, at Julia Victoria.Enero 27, Biyernes, ang streaming ng Bela Luna ni Angeli Khang, na idinirek ni Mac Alejandre, mula sa panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Take note na huling Biyernes ng Enero 2022 nag-streaming sa Vivamax ang Silip sa Apoy ni Angeli Khang, na idinirek din ni Mac Alejandre mula sa panulat ni Ricky Lee.
Ang Silip sa Apoy ang isa sa may pinakamaraming views sa Vivamax, at sa tuwi-tuwina ay napapasama pa rin sa Top 10 Movies of the Week.
Co-stars sa Silip sa Apoy sina Sid Lucero at Paolo Gumabao, samantalang kasama rin sa Bela Luna sina Mark Anthony Fernandez at Kiko Estrada.Matatandaang kasabay ng Silip sa Apoy na nag-streaming noong Enero 28, 2022 ang pelikulang Deception nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Read: Silip Sa Apoy ni Angeli Khang, kinabog ang record ng Hugas ni AJ Raval sa Vivamax
Sa Enero 29, Linggo, ang umpisa ng four-part erotic anthology ni Direk Lawrence Fajardo na Erotica Manila.
Tampok sina Azi Acosta at Alex Medina sa episode na "Cinema Parausan"; sina Mercedes Cabral at Vince Rillon sa "The MILF and the OJT"; sina Benz Sangalang, Felix Roco, at Alona Navarro sa "Death by Orgasm"; at sina Josef Elizalde at Cara Gonzales sa "Girl 11."“Oh my God, my ganito talaga?!” bulalas ng karakter ni Mercedes sa ending ng omnibus trailer ng Erotica Manila.
Read: Manila, aangal kaya sa paggamit ng pangalan ng lungsod sa Vivamax series na "Erotica Manila"?
Sa Pebrero 3, Biyernes, ang Vivamax streaming ng psychological drama na Sandwich nina Katrina Dovey, Luke Selby, Nico Locco, at Andrea Garcia, sa direksyon ni Jao Daniel Elamparo.
Walang keber sa frontal nudity sina Luke (Alapaap) at Nico (Love at the End of the World), pero edited out na sa Vivamax ang ilang eksena na may erect penis — totoo man iyon o prosthetic.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Sa Pebrero 10, Biyernes, ang streaming ng La Querida na nag-shooting sa Intramuros at Luneta, sa direksiyon ni GB Sampedro.
Sa trailer ay bumungad ang bantayog ng pambansang bayani sa Rizal Park. Binabasa ni Angela Morena ang tulang Mi Ultimo Adios, at nilapitan siya ni Arron Villaflor.
Sabi ng karakter ni Arron, “Alam ko, hindi ka maniniwala dito, e. Pero related ako sa kanya.”
A scene from La Querida
Ang La Querida ay “dalawang kuwento ng pag-ibig… isang aral ng kasaysayan.”
Bida rin dito sina Mercedes Cabral at Jay Manalo.Pebrero 17, Biyernes, ang streaming ng Boso Dos starring Gold Aceron, Micaella Raz, and Vince Rillon, sa panulat at direksyon ni Jon Red.
“Eto na ang pinakamainit na palabas na mapapanood nyo kaya talasan nyo ang mga mata nyo!” salaysay ni Katya Santos sa trailer.Gold Aceron in Boso Dos
Matatandaang nagbida si Katya sa 2005 Viva movie na Boso, na si Jon Red ang nagdirek. Co-stars dito sina Gwen Garci, Jeffrey Quizon, Allen Dizon, Ella V, at JC Parker. May special participation sa Boso sina Bembol Roco, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Tado, at Justin de Leon.
Nasa cast din ng Boso Dos sina Alvaro Oteyza, Amor Lapus, Stephanie Raz, Chloe Jenna, Alan Paule, Soliman Cruz, at Lotlot Bustamante.
Sa Pebrero 24, Biyernes, naman ang streaming ng Suki kung saan bida si Azi Acosta, sa direksyon ni Albert Langitan.
At sa Pebrero 26, Linggo, ang unang episode ng seryeng Stalkers nina Wilbert Ross, Rose Van Ginkel, Mark Anthony Fernandez, at Nico Locco, sa direksiyon ni Easy Ferrer.
Wilbert Ross and Rose Van Ginkel
Ibang-iba ang karakter at akting dito ni Wilbert, kumpara sa previous Vivamax projects niya — Crush Kong Curly with AJ Raval, Boy Bastos with Rose Van Ginkel and Jela Cuenca, High (School) On Sex with Denise Esteban, at 5 in 1 with Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Debbie Garcia, Ava Mendez, and Angela Morena.
NOEL FERRER
Kalunus-lunos ang sinapit ng Pinoy movies na nag-open this week sa mga sinehan. Kaawa-awa. Balik na naman ba tayo sa dati? Paano na ang mga pelikula, lalo na yung mga palabas natin? Mabuti bang mag-streaming na lang? Iyong ibang Pinoy movies na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan, naibenta na ang TV rights sa GMA Network.Sa Enero 28, Sabado, ay streaming na sa AQ Prime Stream ang pelikulang Mang Kanor kung saan title role si Rez Cortez.
Idinirek ito ni Greg Colasito, at kasama sa cast nito sina Nika Madrid, Joni McNab, Seon Quintos, Emelyn Cruz, Rain Perez, Rob Sy, Via Veloso, at Atty. Aldwin Alegre. Na-leak sa isang porn site ang ilang sexy scenes ng Mang Kanor.Sa Pebrero 15 naman mag-i-streaming sa mahigit 240 bansa at teritoryo ng Prime Video ang first-ever Filipino Amazon original movie na Ten Little Mistresses.
Bida sa murder-mystery comedy John Arcilla, Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi Martin, Agot Isidro, Kris Bernal, Sharlene San Pedro, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, at Donna Cariaga, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.Ayon naman sa trailer ng Ten Little Mistresses, ang kuwentong ito ay base lamang sa haka-haka ng mga Marites.